Miyerkules, Oktubre 9, 2019

Tula Para Sa Lipunan

Lipunan na kay gandang pagmasdan
na kung paano magtutulungan 
ngunit marami ang pinagkaiba
sa isip't gawa at madla

Sa mga mata ng politiko at mga tao
iba na ang tingin sa lipunang ito
lipunang pinagkukuhanan ng salapi 
lipunang sangkot sa illegal na gawain

Lipunan kay daming suliranin 
hindi mo alam paano aayusin 
reklamo dito, reklamo doon
halos wala ng paglalagyan 

Bakit hindi sa sarili mo umpisahan 
upang problema ng lipunan 
unti unting na solusyonan 
para sa lipunang kay gandang pagmasdan

Pagmasdan na kung kaakit akit tignan 
maayos malilinis at walang gulo nakikita
kung itoy mamarapatin mo
nasa iyo na kung paano buksan ng lipunang ang pagtutulungan

BY: Jayson S. Canlas